Pagpapalawak ng COVID-19 vaccination sa mga kabataang mayroong comorbidities, planong simulan sa Biyernes

Pinaplano na ng Department of Health (DOH) na isagawa sa Biyernes, October 29 ang pagpapalawak ng COVID-19 vaccination sa mga kabataang mayroong comorbidities.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ikinokonsidera na ito ng DOH bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Batay sa huling datos ng DOH, umabot na sa 9,928 na edad 12 hangang 17 ang nabakunahan na hanggang nitong October 24.


Wala namang nakaranas ng serious adverse effects sa mga kabataang naturukan ng bakuna.

Nitong nakaraang linggo umarangkada ang Phase 2 ng COVID-19 immunization sa mga bata na ginawa sa 24 vaccination sites sa loob ng Metro Manila.

Facebook Comments