Pagpapalawak ng feeding program sa mga ospital, isusulong ng isang senador

Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go na maisama ang feeding program sa mga ospital na mayroong Malasakit Centers sa buong bansa.

Kaugnay na rin ito sa pinakahuling pag-aaral ng OCTA research kung saan bumaba ang self-rated poverty sa bansa mula sa 48% sa 43% sa third quarter ng 2024, na katumbas ng 1.4 million na mga pamilyang hindi na ibinibilang ang mga sarili sa mahihirap.

Ipinunto ni Go na ipinapakita ng bagong datos na ito ang kahalagahan ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang kagutuman at ibigay ang mga kinakailangang essential services sa bansa.


Ayon kay Go, gutom at kahirapan ang kalaban lalo na ng mga maralitang pasyenteng nasa ospital na hirap din kung saan pa kukunin ang panggastos sa kanilang kakainin.

Ang pagsusulong ng senador na lagyan ng feeding programs ang mga pagamutan ay malaking tulong para mapagaan ang pinagdadaanan ng mga pamilyang may problemang medikal.

Facebook Comments