Pagpapalawak pa ng pamumuhunan ng ilang Indian companies sa Pilipinas, tututukan ni PBBM sa kaniyang state visit

Tututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapalawak ng pamumuhunan ng ilang kompanya sa India sa Pilipinas.

Ayon kay Foreign Asec.Evangeline Ong Jimenez-Ducrocq, nagpahayag ng interes ang ilang CEO at mga kompaniya sa India na makapulong ang pangulo sa kaniyang state visit.

May mga kompaniya na ring naghahanda na pumasok sa merkado ng Pilipinas.

Sabi ng Department of Foreign Affairs o DFA, malaking oportunidad ito lalo’t ang Bangalore, itinuturing bilang Silicon Valley, at kilala sa linya ng ICT o sentro ng high technology innovation sa India.

Malaki ang maitutulong nito para sa Pilipinas, sa linya ng ICT, innovation, at makabagong teknolohiya.

Facebook Comments