Isinusulong ngayon sa Senado ang pagpapalawak pa sa pag-aaral para sa paggamit ng crypto currencies at iba pang digital currencies.
Kaugnay nito, magsagawa ng pagdinig kaugnay sa ipinatutupad na regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at iba pang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa crypto currencies.
Bunsod nito, inaasahang mabibigyan ng proteksyon ang publiko laban sa mga scam partikular ang mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Sa ngayon, inaasahan pa ang patuloy na paglobo ng paggamit ng digital currencies sa bansa.
Facebook Comments