Kinokonsidera ngayon ng Office of Civil Defense (OCD) na gawing 10 kilometers ang permanent danger zone sa paligid ng Bulkang Kanlaon.
Ito’y mula sa 6 kilometers permanent danger zone.
Ayon kay OCD Western Visayas Director at Task Force Kanlaon Chairperson Raul Fernandez, pinaplano nilang palawigin ang permanent danger zone dahil na rin sa banta ng lahar sa Negros Island bilang resulta ng sama ng panahon sa Mindanao.
Kung mangyayari aniya ito, ilalayo rin ang mga evacuation center para maiwasan ang panganib.
Sa ngayon, mayroong 29 na evacuation centers sa Negros Island.
Kasunod nito, tiniyak ng OCD na sapat pa ang suplay ng food at non-food items para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon.
Facebook Comments