Pagpapalawak sa sakop ng hemodialysis sessions, may pondo sa 2023 ayon kay Sen. Bong Go

Kinatigan ni Health Committee Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang plano ng PhilHealth na itaas ang coverage ng hemodialysis sessions sa 156 mula sa kasalukuyang 90.

Ayon kay Go, kakayanin itong gawin ng PhilHealth dahil may pondo na inilaan dito ang Kongreso sa ilalim ng 2023 national budget.

Batay aniya sa idinagdag niyang special provision sa pambansang budget ngayong taon, dinagdagan ng P21 billion ang pagpapahusay ng PhilHealth packages kung saan kabilang dito ang pagpapalawak ng hemodialysis package.


Ipinaalala naman ni Go sa PhilHealth ang mandato nito na higpitan ang pagsusuri sa mga claims ng mga dialysis centers upang hindi maabuso at hindi makalusot ang mga bogus na gawain.

Tiniyak din ni Go na mananatili siyang masigasig sa Mataas na Kapulungan sa pagsusulong ng mas maraming inisyatibo na magpapalakas ng health sector ng bansa.

Facebook Comments