Isinulong ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na pahabain ng isang buwan o 30 araw ang fully paid paternity leave.
Ito ay para magkaroon ng sapat na panahon ang mga nagtatrabahong ama na masuportahan at maalagaan ang bagong silang niyang anak at ang ina nito.
Sa House Bill 4430 na inihain ni Rillo ay kasama ding masasaklaw ng paternity leave ang mga working father kahit hindi kasal sa ina ng kanilang anak.
Giit ni Rillo, hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagkakaloob ng paternity leave.
Sa kasalukuyang batas na naipasa noong 1996 ay pitong araw lamang ang paternity leave at para lamang sa mga ama na kasal na at nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sektor.
Facebook Comments