Naglabas ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palawigin ang pagpapatupad ng mababang tariff rates sa import duties ng bigas at karne hanggang December 31, 2023.
Ang direktiba ay batay sa pinirmahang Executive Order No. 10 ng pangulo.
Ginawa ang pagpapalabas ng nasabing Executive Order ay dahil na rin sa mataas na inflation dulot ng supply constraints at inaasahang kakapusan ng global supply at pagsipa ng international community prices.
Nakasaad sa EO 10 na sadyang may pangangailangang mapalawig pa ang mababang tarrif rates sa bigas at mais gayundin sa karne nang sa gayon ay mapanatiling abot kaya ang mga nabanggit na food products sa gitna ng pagnanais ng gobyerno na matiyak ang food security.
Ang EO 10 ay extension nang una nang pagpapatupad ng EO No. 134 at 135 na pansamantalang implementasyon ng modified rates ng import duties ng bigas at karne ng hanggang May 2022 at June 1, 2022.
Samantala, subject sa semestral review ang tarrif rates sa coal paglampas ng December 31, 2023