Pagpapalawig ng araw para sa SIM card registration, hindi pa ikinokonsidera ng DICT

Wala pang plano at hindi pa napag-usapan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang pagbibigay ng extension para makapagparehistro ng SIM card ang mga SIM subscriber.

Courtesy: Department of Information and Communication Technology

Hanggang sa April 26, 2023 na kasi ang ibinigay na deadline ng DICT para irehistro ng mga SIM subscriber ang kanilang mga ginagamit na SIM.


Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo na bagama’t prerogative ng DICT na magkaroon ng 120 days extension para mas marami ang makapagparehistro ng SIM.

Sa ngayon aniya ay wala pa silang nakikitang pangangailangan na i-extend ito.

Paliwanag ni Lamentillo, patuloy ang pagdami ng mga nagpaparehistro ng SIM lalo’t walang tigil aniya ang paalala ng kanilang ahensya na ang mga SIM na hindi narehistro hanggang April 26, 2023 ay awtomatikong deactivated na.

Courtesy: Department of Information and Communication Technology

Batay aniya sa kanilang rekord, mayroong mahigit 169.9 milyong SIM subscribers sa buong bansa, sa bilang na ito 27.12% o 45.8 milyon pa lamang ang nakapagparehistro.

Courtesy: Department of Information and Communication Technology

Sa 45.8 milyong nagparehistro, mahigit 18 milyon ay Globe subscribers, mahigit 23 milyon ay Smart subsrcibers at mahigit 3 milyon ay DITO subscribers.

Courtesy: Department of Information and Communication Technology

Sa ngayon, patuloy ang panawagan ng DICT sa mga SIM subscriber na irehistro ang kanilang SIM dahil makatutulong ito para hindi mabiktima ng scam, krime at iba pang modus na gumagamit ng text messages at tawag.

Facebook Comments