Inaprubahan na ng Senado sa 3rd and Final reading ang panukalang batas na magpapalawig sa bisa ng batas ukol sa 2020 national budget at ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Sa botong 18 yes, walang pagtutol at walang abstain, aprubado na ang House Bill No. 8063 o Bayanihan 2 na magpapalawig sa nasabing pondo hanggang Hunyo 30, 2021.
Habang 18 yes, walang pagtutol at walang abstain inaprubahan din ang pagpapalawig ng House Bill No. 6656 o ang 2020 national budget hanggang December 31, 2021.
Ang dalawang batas ay naglalayong patuloy na magamit ang mga natitira pang pondo para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, sertipikado na ang mga ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent measures kaya agad itong naaprubahan.
Karamihan naman aniya ng mga Senador ay sumusuporta sa panukala batay sa ginanap nilang pulong kahapon.