Pagpapalawig ng deadline para sa consolidation ng prangkisa ng PUV operators, hihilingin ng House Committee on Transportation kay PBBM

Maghahain ng isang resolusyon ang House Committee on Transportation para hilingin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palawigin ang January 31, 2024 deadline para sa consolidation ng prangkisa ng jeepney operators sa ilalim ng Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program.

Isinulong ito ni Laguna Rep. Dan Fernandez sa pamamagitan ng isang mosyon na inaprubahan naman ng chairman ng komite na si Antipolo Representative Romeo Acop.

Paliwang ni Fernandez, marapat palawigin ang naturang deadline na orihinal na itinakda noong December 31, 2023.


Sabi ni Fernandez, ito ay para magkaroon ng pagkakataon ang Department of Transportation (DOTr) na tugunan at solusyunan ang mga problema sa PUV Modernization Program sa hangaring mapangalagaan pa rin ang kapakanan at kabuhayan ng mga tsuper.

Facebook Comments