Manila, Philippines – Blangko parin ang Office of the Executive Secretary kung nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang mga panukalang magpapahaba ng validity ng Philippine Passport at ng Driver’s License.
Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, naisumite na nila sa office of the President ang dalawang batas at hindi nila batid kung ano ang dahilan kung bakit hindi pa napipirmahan ang dalawang batas.
Sinabi Guevarra, inirekomenda narin nila kay Pangulong Duterte na lagdaan ang mga batas na kanilang isinumite.
Nabatid na kung hindi malalagdaan ng Pangulo ang mga panukalang dadaan sa kanyang tanggapan sa loob ng 30 araw ay otomatikong magiging batas ang mga ito bukod nalang kung gamitin ng Pangulo ang kanyang Veto Power.
Matatandaan na ang pagpapalawig ng expiration ng Philippine Passport at driver’s license ay kabilang sa kanyang mga ipinangako noong panahon ng kampanay.