Pagpapalawig ng ECQ sa Metro Manila, suportado ng Presidential Adviser for Entrepreneurship

3Suportado ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagpapalawig ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Kasunod ito ng sinabi ng Department of Health (DOH) na posibleng mapalawig pa ang ipinatutupad na ECQ sa buong Metro Manila kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Lumabas din sa pagtataya ng National Economic Development Authority (NEDA) na mahigit P150 billion ang mawawala sa bansa kada linggo sa pagpapatupad ng ECQ.


Bukod pa ito sa 600,000 libong manggagawa na apektado ng lockdown.

Facebook Comments