Pagpapalawig ng enrollment hanggang July 15, pinag-aaralan na ng DepEd

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang posibleng pagpapalawig ng enrollment period para sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ikinokonsidera nilang i-extend ang enrollment hanggang July 15, 2020.

Ito ay dahil aniya sa malaking demand kahit pa nagkaroon ng kalituhan kung kailan magsisimula ang klase.


Ngayong araw ang deadline ng enrollment.

Sa huling datos na inilabas ng DepEd, nasa higit 15 milyon pa lang ang nakakapagparehistro mula sa 27.7 milyong enrollees na inaasahan ng kagawaran para sa school year 2020-2021.

Sa nasabing bilang, 14,548,915 ang nag-enroll sa mga public school.

Facebook Comments