PAGPAPALAWIG NG KAPASIDAD AT SOCIALIZATION NG CHILDREN WITH SPECIAL NEEDS, TINUTUTUKAN SA WCES I

Isinagawa ng mga kaguruan ng Special Needs Education Early Intervention sa West Central Elementary School I ang ilang mga aktibidad para sa mga Children with Special Needs ang Five senses integration bilang Early Intervention Program at alinsunod na rin sa Nutrition Month Celebration at National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

 

Isinagawa ang isang salad mixing activity sa mga SPED students edad lima hanggang anim.

 

Sa panayam ng IFM News Team kay WCES SPED Teacher I Angelyn Tundra, mahalaga ang ganitong mga aktibidad na una – alinsunod sa mga itinuturo sa mga bata, maging ang pagpapalakas ng socialization ng mga bata sa pagsasaalang-alang ng kanilang sitwasyon.

 

Sa pamamagitan din nito, nabibigyang diin ang parent-and-kid bonding na importante lalo na sa pagpapakita ng suporta para sa kanilang mga anak.

 

Dagdag ng guro, ito ay isang hakbang sa pagpapalakas pa ng kakayahan ng mga bata sa kabila ng kanilang mga kapansanan.

 

Samantala, ayon sa mga magulang ng mga bata, malaking bagay na para sa mga ito ang simpleng mga gawain tulad ng mga aktibidad para sa kanilang ikauunlad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments