PAGPAPALAWIG NG LOCALIZED TREE PLANTING SA POZORRUBIO, IPINANUKALA

Inihain ng Environmental Protection Committee ang panukalang pagpapalawig ng Pozorrubio Arbor Day Ordinance bilang suporta sa pinalawak na kampanya ng Enhanced National Greening Program, na layong palakasin ang pagtatanim at pangangalaga sa mga puno sa buong bayan.

Sa panukalang ito, ilalapit at ilolocalize ang mga tree-planting activity sa iba’t ibang barangay, paaralan, at maging sa pribadong sektor.

Katuwang ang MENRO Pozorrubio sa pagdinig ng Sangguniang Bayan sa pagpapalawig ng ordinansa at pagtiyak sa mas malawak na partisipasyon ng komunidad.

Binigyang-diin dito ang mahalagang nature-based solution na tumutulong labanan ang malalaking problema sa kalikasan, partikular ang climate change, biodiversity loss, at pollution.

Nakasaad din sa panukala na magkakaroon ng kaparusahan sa sinumang sisira sa mga itatalagang tree-planting sites na idedeklarang green open spaces sa lugar.

Dahil dito, nanawagan ang LGU sa lahat ng residente na makiisa at sumuporta upang maprotektahan ang natitirang ‘forest cover’ ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments