Pagpapalawig ng mababang taripa sa mga vital food import, ipinasasailalim sa regular na review

Iminungkahi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na isailalim sa review ang mababang taripa sa mga vital food import tulad ng bigas, mais, karneng baboy at iba pang mahahalagang inaangkat na pagkain.

Kaugnay na rin ito sa naging pasya ni Pangulong Bongbong Marcos na palawigin pa ang mababang taripa o buwis sa mga mahahalagang ini-import na pagkain hanggang sa katapusan ng 2023.

Batay sa suhestyon ni Pimentel, mainam na repasuhin sa kada tatlo o anim na buwan ang mababang taripa sa mga important food item.


Ito ay para ma-monitor na rin ang mga pagbabago lalo’t hanggang sa susunod na taon pa ang implementasyon ng pinalawig na mababang taripa sa mga mahahalagang inaangkat na pagkain.

Sinabi pa ni Pimentel na wala rin namang ‘choice’ si Pangulong Marcos sa ngayon kundi ang palawigin ang lowered tariffs sa mga vital food import dahil wala namang kakayahan ang bansa na makapag-produce ng sapat na pagkain para sa mga Pilipino.

Facebook Comments