Mindanao – Ikinokonsidera ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao sa kabila ng pagdedeklara ng kalayaan ng Marawi City.
Ayon kay AFP spokesman Major General Restituto Padilla, patuloy pa rin kasi ang operasyon laban sa iba pang mga grupo ng local terrorists sa rehiyon.
Gayunman, sisikapin pa rin aniya ng militar na matugunan at ibalik sa normal ang sitwasyon sa Mindanao bago matapos ang taon dahil ito ang deadline na ibinigay sa kanila.
Patuloy pa rin aniya ang mga awtoridad sa pagsasagawa ng clearing operations sa Marawi City.
Facebook Comments