Pagpapalawig ng martial law, suportado ng DOJ

Kumbinsido si Justice Secretary Menardo Guevarra na nagpapatuloy pa rin ang rebelyon sa Mindanao kaya dapat ipagpatuloy ang martial law sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Guevarra , nasa kamay na ng Armed Forces of the Philippines at ng iba pang security officials ang pagpapasya kung idedeklara nila na kontrolado na ang rebelyon sa Mindanao.

Ang reaksyon ng kalihim ay kasunod ng pahayag ni Senator Bong Go na ipinauubaya na niya sa local at national government ang pagdedesisyon kung dapat nang bawiin ang martial law sa rehiyon.


Nakatakdang magtapos ang bisa ng martial law sa Mindanao, December 31 ng taong kasalukuyan pero may mga panukala na palawigin ito sa ika-apat na pagkakataon.

Facebook Comments