Pagpapalawig ng Maternity Leave, hindi makaka-apekto sa pag-hire ng mga babaeng empleyado – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na wala silang nakikitang dahilan para naapektuhan ang employment ng mga babae matapos lagdaan at gawing ganap na batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Extended Maternity Leave.

Nabatid na batay sa batas ay mabibigyan ng 105 araw na paid maternity leave ang isang nanay at may opsyon pa itong mag extend ng 30 araw nang walang bayad habang mayroong karagdagang 15 araw para sa single mother.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, mas malaki parin ang kikitain ng empoloyer kaysa lugi ng mga ito sa mas pinahabang maternity leave.


Sigurado aniya sila na naiintindihan ng mga negosyante ang batas na nilagdaan ni Pangulong Duterte dahil ang mga Pilipino naman aniya family oriented.
Dagdag pa ni Panelo, kailangang sumunod ang mga negosyante sa batas dahil kung hindi ay siguradong mananagot sa batas ang mga ito.

Wala din aniyang magagawa ang mga ito dahil hindi din pinahihintulutan ng batas ang diskriminasyon sa bansa.

Facebook Comments