Pagpapalawig ng number coding scheme, hindi pa napapanahon – MMDA

Tinabla ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panwagan na palawigin ang number coding scheme sa gitna ng pagluluwag sa mga restriksyon.

Ayon kay MMDA Director Neomie Recio, hindi pa ito kinakailangan sa kasalukuyan.

Aniya, hindi pa bumabalik sa pre-pandemic levels ang bilang ng mga sasakyan na bumabaybay sa Metro Manila.


Sinabi rin ni Recio na nabawasan ang bilang ng mga sasakyang dumadaan sa EDSA dahil sa mataas na presyo ng langis.

Sa kabila nito, sinabi ni Recio na maaari pa ring makaranas ng mabigat na daloy ng trapiko.

Pero gumagawa na aniya ng paraan ang MMDA upang makontrol ang mga sasakyan, kabilang na ang pagbabalik sa motorcycle lane.

Facebook Comments