Pagpapalawig ng pediatric vaccination nationwide, tatalakayin sa susunod na IATF meeting

Ipiprisenta sa susunod na pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isinusulong ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na pagbubukas ng pediatric vaccination nationwide.

Kung matatandaan, sa kasalukuyan ay limitado pa lamang ang pagbabakuna ng 12 – 17 years old sa mga lokal na pamahalaan at ospital sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ngayong araw ay una nang nagpulong ang IATF at hindi pa naisama ang usaping ito sa mga natalakay.


Maipapabilang aniya ito sa agenda ng IATF sa Huwebes.

Bukod dito, sinabi rin ng kalihim na posibleng sa Huwebes na rin ipiprisenta ng Department of Transportation (DOTr) ang isinusulong na pagtataas pa ng seating capacity sa pampublikong transportasyon.

Facebook Comments