Pagpapalawig ng rehistrasyon sa pagboto, inapela ng ilang grupo at paaralan sa COMELEC

Ipinanawawagan sa Commission on Elections (COMELEC) ng ilang paaralan at organisasyon na palawigin pa ang araw ng pagboto para sa 2022 national elections.

Sa pinagsamang pahayag ng University of the Philippines (UP), Ateneo, De La Salle University, University of Santo Tomas at Polytechnic University of the Philippines, ipinapakonsidera nito ang pagpapalawig ng panahon ng rehistrasyon dahil na rin sa epekto ng pandemya.

Imbes na hanggang sa September 30, nais ng mga ito na gawin nang hanggang sa October 31 ang rehistrasyon.


Ilan sa mga paaralang kasama rin sa panawagan ay ang;

Adamson University
Jose Rizal University
Lyceum of the Philippines University
Miriam College
National Teachers College
Philippine Association of Private Schools, Colleges, and Universities
Philippine Normal University
Philippine Women’s University
At iba pa.

Facebook Comments