Binigyang-diin ng ilang Pangasinense na hindi na dapat pahabain pa sa anim na taon ang termino ng mga elected barangay at Sangguniang Kabataan Officials dahil sapat na umano ang kasalukuyang tatlong taon na panunungkulan.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa ilang residente, nararapat na bigyan din umano ng pagkakataon ang ibang kandidato upang masubukan ang kakaibang istilo sa pamumuno.
Dagdag ng ilan, madalas ay kaanak lang din umano ng incumbent officials ang bagong halal na opisyal kaya’t pareho lamang ang pamamaraan ng serbisyo at nararapat na mapalitan agad lalo kung hindi maganda ang administrasyon.
Patuloy na hiling ng ilang Pangasinense ang maayos at malinis na serbisyo publiko sa inihahalal na kandidato upang matamasa ang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨