Natanggap na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang Court Order na nagpapalawig sa Temporary Restraining Order (TRO) para sa Competitive Selection Process ng pagbili ng kuryente.
Sinabi ng MERALCO na dahil sa TRO ay maaantala ang kanilang proseso sa loob ng 20 araw.
Makakaapekto rin anila ito sa kanilang pagbili ng mas murang suplay ng kuryente para sa kanilang mga kustomer.
Kaugnay nito, sinabi ng MERALCO, na rerebyuhin nila ang TRO at ikukunsulta nila sa kanilang legal counsel.
Ang TRO ay bilang tugon sa petisyon para sa injunction na inihain ng mga operator ng proyektong gas ng Malampaya laban sa Meralco bidding na gagawin sa pamamagitan ng Competitive Selection Process nitong August 2 at sa darating na September 3 ,2024.
Una nang pinalawig nito ng Korte ang TRO ng 20 araw matapos suriin ang mga salaysay at saksi mula sa petitioner na nagbabala sa pinsalang maidudulot ng bidding sa Malampaya gas at sa seguridad sa enerhiya ng bansa.