Pagpapalawig ng TUPAD program, inihirit

Inirekomenda ni Senator Risa Hontiveros na palawigin ang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers.

Ang TUPAD ay isang community-based package assistance para sa emergency employment ng mga nawalan ng trabaho o seasonal workers sa loob ng sampung araw.

Suhestyon ni Hontiveros, sa halip na sampung araw ay baka pwede itong mas pahabain lalo na sa panahon ng pandemya.


Paliwanag ni Hontiveros, kulang kasi ang kita sa sampung araw lang na trabaho.

Imungkahi ito ni Hontiveros sa pagdinig ng Senado, mahigit 44.3 billion pesos na panukalang pondo para sa DOLE sa susunod na taon.

Tugon naman ni Labor Secretary Silvestro Bello III, maganda ang mithiin na habaan ang araw ng TUPAD program pero kung gagawin ito, mangangahulugan na mababawasan ang mga benepisyaryo.

Binanggit naman ni Senator Joel Villanueva, may nakahain na siyang panukalang batas para mas mapahaba ang araw ng TUPAD program.

Facebook Comments