Nagpahayag ng buong suporta ang Mandaluyong City Government sa extention ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Mayo 15 upang maiwasan na kumalat pa ang nakamamatay na virus na COVID-19.
Ayon kay Mandaluyong Public Information Officer Jimmy Isidro, ang Mandaluyong City Government ay sumusunod anuman ang ipinatutupad na direktiba ng National Government lalung lalo na ang paghawak ng COVID-19 pandemic.
Paliwanag ni Isidro buong suporta umano ipinaaabot ni Mayor Menchie Abalos sa lahat ng mga desisyon ng Presidente dahil naniniwala ang alklade na eksperto ang pangulo kung ano ang nararapat na gagawin at ang kanyang rekomendasyon ay mabuti para sa panibagong dalawang linggo para maallama din lalo na ngayon halos lahat ng Cities papunta na sa Mass Testing para makita rin ang tunay na larawan.
Dagdag pa ng alaklde na tumutulong umano ang mga sundalo sa kanila ngayon para maisaayos talaga ang mahigpit na pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine dahil may mga Baarangay umano sila na hinigpitan pa nila ng husto lalo na matataong lugar gaya ng Barangay Addition Hills na may mahigit 18,000 pamilya na talagang hindi kakayanin ng pulis lang at Barangay Tanod.
Matatandaan na ang Mandaluyong City Health Department ay nakapagtala ng 323 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang 30 nasawi at 48 naman ang na-rekober.