Manila, Philippines – Isinusulong ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na palawigin pa ng hanggang sa walong araw ang pitong araw na paternity leave.
Ayon kay Vargas, ito ay para mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga ama na maalagaan ang kanilang asawa gayundin ang bagong silang nilang anak.
Dahil dito, pina-aamiyendahan ng mambabatas ang “republic act 8187” na ipinasa ng Kongreso bilang pagkilala sa pananagutan ng mga haligi ng tahanan sa pangangalaga sa kanyang maybahay bago at habang nagbubuntis ito gayundin sa bago nilang supling.
Facebook Comments