Pagpapalawig sa age group na maaaring lumabas, inaprubahan ng economic cluster

Sang-ayon sa National Action Plan Phase 3 kung saan binibigyang prayoridad ang muling pagbubukas ng ekonomiya at pangangalaga sa kalusugan ng publiko habang nananatili ang banta ng COVID-19.

Inaprubahan ng economic cluster ng Duterte administration sa full cabinet meeting kagabi ang pagpapatupad ng mas maikling curfew hours at multiple work shifts para mas maraming manggagawa ang makabalik sa trabaho at mas maraming mga consumer ang makalabas at makapag-ambag sa mas mabilis na takbo ng ekonomiya.

Aprubado rin ang gradual expansion ng business capacity mula sa 75% sa 100% at gradual expansion ng age group na papayagang makalabas tulad halimbawa ng 15 hanggang 65 years old.


Pero paglilinaw ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque pag-uusapan pa nila sa IATF ang gradual expansion ng age group na papayagang makalabas.

Sa ngayon kasi mula edad 21 hanggang 60 lamang ang pinapayagang lumabas maliban sa mga nakatatanda na kabilang sa APOR at bibili ng kanilang basic necessities.

Paliwanag ng Kalihim, kapag tumataas ang kaso ng COVID-19, pananatilihin ang kasalukuyang quarantine level at magpapatupad ng mas mahigpit na protocols at mas maraming localized quarantine at hindi na ang malawakang lockdown.

Facebook Comments