Pagpapalawig sa Alert Level 2 sa Metro Manila, inirekomenda

Iminungkahi ng isang infectious disease expert na palawigin pa ang umiiral na Alert Level 2 sa Metro Manila pagkatapos ng Disyembre 15.

Ito ay dahil sa posibleng banta ng mas nakakahawang Omicron COVID-19 variant bagama’t hindi pa naman nakakapasok sa bansa.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, dapat pang i-extend ng gobyerno ang Alert Level 2 upang matiyak na wala tayong maiitalang kaso ng Omicron variant.


Sa ngayon, patuloy naman ang pagbaba ng mga naiitalang kaso ng COVID-19 sa bansa na bunsod ng pagtaas ng vaccination rate.

Facebook Comments