Pagpapalawig sa Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs, pinagtibay ng Kamara

Pinagtibay ng Kamara ang House Joint Resolution 14 na para sa pagpapalawig ng sampung taon ang buhay ng “Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs o mula July 4, 2022 hanggang July 4, 2032.

Ito ay upang maipagpatuloy ang pagbabantay sa pagpapatupad ng Republic 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 at ang transparency nito.

Paraan din ito para matukoy ang mga kahinaan ng batas, at magrekumenda ng mga kinakailangang “remedial legislation” o “executive measures.”


Ang Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs ay binubuo ng 7-miyembro mula sa Kamara at pito rin mula sa Senado, at pinamumuan naman ito ng chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs at Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Facebook Comments