Pagpapalawig sa ECQ ng NCR Plus areas, pagdedesisyunan ng IATF sa Sabado

Masusing pinag-uusapan ngayon sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyong palawigin pa ng dalawang linggo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus.

Sa katunayan, sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na sa Sabado de Gloria, magpupulong sila ng IATF para isapinal ang mga mangyayari.

Gayunpaman, binigyang diin ni Roque na ang panukalang 2 weeks extension ng ECQ ay absolute last resort ng pamahalaan.


Kaya paulit-ulit aniya ang panawagan nila sa publiko na sundin ang mga patakarang ipinatutupad ngayon ng pamahalaan, hangga’t maaari ay wag na munang lumabas kung hindi rin lang naman kabilang sa Authorized Person Outside Residence (APOR) at patuloy na obserbahan ang minimum health protocols.

Ito aniya ay para hindi na muling humantong pa sa mas matagal na ECQ ang ilang bahagi ng bansa.

Facebook Comments