Pagpapalawig sa emergency subsidies distribution, pinayagan ng DILG

Pinalawig ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang maipamahagiang cash subsidies sa mahihirap na pamilya sa gitna ng Coronavirus crisis.

Kasunod na din ito ng apela ng mga Alkalde sa Metro Manila sa naunang utos ng DILG na tapusin ang pamamahagi ng unang tranche ng emergency subsidies hanggang Abril 30.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang mga Local Government Units (LGUs) sa mga sumusunod na lugar ay mabibigyan ng 7-day extension:


– Metro Manila

– Cavite Province

– Laguna Province

– Rizal Province

– Bulacan Province

– Cebu City

– Davao City

Habang mayroong 4-day extension ang ibang lgus na may problema sa pamamahagi ng cash aid.

Nagpaalala naman si año sa mga lgu na maghanda ng liquidation report para sa unang tranche ng cash aid para mai-proseso ng national government ang ikalawang round nito.

Facebook Comments