Friday, February 20, 2026

Pagpapalawig sa estate tax amnesty hanggang December 31, 2028, isinusulong sa Senado

Itinutulak ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na palawigin ang deadline para sa estate tax amnesty hanggang December 31, 2028.

Sa Senate Bill 1865 na inihain ni Zubiri, layon na bigyan ng dagdag na panahon ang mga tagapagmana na ayusin ang mga hindi pa nababayarang obligasyon at mailipat ang mga ari-arian na nanatiling frozen.

Ayon kay Zubiri, layon din ng panukalang ito na tulungan ang mga pamilyang nahihirapan sa pagbabayad ng estate tax.

Ipinunto ng senador na maraming mga kababayan ang nagdadalamhati na nga sa pagkawala ng mahal sa buhay, nahihirapan pa silang bunuin ang estate tax kapag may naiwang property para sa kanila lalo na kung wala pang kakayahang bayaran ito.

Ang estate tax ay ang buwis na kinokolekta ng gobyerno sa paglipat ng ari-arian ng isang tao sa kanyang mga tagapagmana matapos ang kamatayan, at sa ilang kasalukuyang patakaran, ito ay kinakalkula bilang 6% ng net estate bago mailipat ang titulo sa pangalan ng mga tagapagmana.

Facebook Comments