Aprubado na ng House Committee on Ways and Means na pinamumunan ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang House Bill 7409 o panukalang palawigin ang Estate Tax Amnesty.
Nakapaloob sa panukala na pangunahing iniakda ni House Speaker Martin Romualdez na palalawigin hanggang June 2025 ang Estate Tax Amnesty na mapapaso na June 14, 2023.
Layunin ng panukala na mabigyan ng pagkakataon ang mayroong hindi nabayarang estate tax na magbayad ng walang multa.
Unang pinalawig ang amnestiya dahil hindi ito napakinabangan ng maraming tax payers dahil sa mga paghihigpit sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Bunsod nito ay inatasan ni Congressman Salceda ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na gawing simple ang proseso para sa online filing ng estate tax para hindi mahirapan ang ating mga kababayan lalo na ang mga Overseas Filipino Worker (OFW).