Pagpapalawig sa lifeline rate subsidy, raratipikahan na

Malapit nang maisabatas ang panukala na pagpapalawig sa lifeline rate ng mga marginalized sector.

Kasunod na rin ito ng pag-apruba ng bicameral conference committee para palawigin ang lifeline rate subsidy hanggang 2031.

Inaasahan na makatutulong ang lifeline rate sa kawalan ng kakayahan ng mga mahihirap na pamilya na bayaran ang kabuuang halaga ng kanilang kuryente kaya nangangailangan sila ng subsidiya.


Batay sa EPIRA Law, sa June 26, 2021 nakatakdang matapos ang naturang subsidiya.

Ayon kay House Energy Committee Chairman Juan Miguel Arroyo, pinaigting din sa panukala ang mekanismo ng pagtukoy sa mga benepisyaryo upang matiyak na mga totoong mahihirap na consumers talaga ang makikinabang dito.

Nakasaad din sa panukala na gawing simple at makatwiran ang requirements na hihingiin sa poor household upang maka-avail ng subsidiya.

Malaki aniyang ginhawa ang pagpapalawig sa lifeline rate lalo’t marami pa rin ang apektado ng COVID-19 pandemic at hindi pa makabayad ng kuryente.

Facebook Comments