Pagpapalawig sa MECQ sa NCR Plus bubble, pinaboran ng Department of Health

Pabor si Health Secretary Francisco Duque III na palawigin pa ang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine sa tinatawag na NCR Plus bubble.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Duque na kailangan pang magpatuloy ang MECQ dahil wala pang masyadong naging pagbabago sa ating healthcare system at puno pa rin ang halos lahat ng mga ospital.

Paliwanag ni Duque, bagama’t wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force sa magiging quarantine status para sa buwan ng Mayo ay nakikita niyang palalawigin pa ito upang maiwasan ang pagtaas muli ng COVID-19 infections.


Una nang nanawagan ang OCTA Research Group na huwag munang luwagan ang quarantine restrictions kahit na bumaba na ngayon ang COVID-19 reproduction rate sa NCR Plus bubble.

Samantala, sa kabuuan ay nasa 997,523 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 8,162 kahapon pero 903,665 na rito ang mga gumaling.

Facebook Comments