Pagpapalawig sa Nationwide State of Emergency sa Japan, pormal na pagdedesisyunan sa susunod na linggo

Pormal nang magdedesisyon sa susunod na linggo ang Japan kung palalawigin pa nila ang ipinatutupad na Nationwide State of Emergency.

Ito ay kasunod ng inanunsiyo ni prime Minister Shinzo Abe na maghanda pa rin dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Napag-alaman na nakatakdang matapos ang state of emergency sa Mayo 6 at pinag-aaralan ng Japanese Government na palawigin pa ito ng isang buwan.


Kasunod niyan, patuloy pa ring nanawagan ang kanilang gobyerno na manatili sa loob ng bahay ngayong mayroon na silang 14,305 na kumpirmadong kaso at 455 dito ang nasawi dahil sa virus.

Facebook Comments