Pagpapalawig sa RCEF Program, isinulong sa Kamara

Iginiit ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara ang pagpapalawig sa pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF Program na magtatapos ngayong 2024.

Ang panawagan ni Vergara ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill 9547 na mag-aamyenda sa Agricultural Tariffication Act.

Batay sa batas, isasailalim sa mandatory review ang RCEF sa ika-anim n taon upang madetermina ay kung ipagpapatuloy, aamyendahan o tuluyan itong tatapusin.


Bunsod nito ay nais ni Vergara na mula sa anim na taon ay gawing labindalawang taon ang implementasyon ng programa dahil malaki ang naitulong nito sa sektor ng pagbibigas sa bansa.

Sa ilalim ng RCEF program, mula sa tariff revenues sa loob ng anim na taon ay kukuna ng P10 bilyon para sa makinarya, rice seed, development, propagation and promotion, pinalawig na rice credit assistance o pautang at rice extension services.

Facebook Comments