Pagpapalawig sa SIM registration, pinuri sa Kamara

Pinuri ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang pasya ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ng 90-araw o hanggang July 25 ang nakatakdang deadline ngayong araw ng SIM registration.

Ayon kay Villafuerte, dahil sa naturang hakbang ng pamahalaan ay naiwasan ang ‘digital disenfranchisement’ ang halos 100 million pang SIM owners na hindi nakakapagparehistro.

Una ng ibinabala ni Villafuerte na kung hindi makakahabol sa SIM registration ang milyun-milyong mga Pilipino ay magiging malaking dagok ito sa pagsisikap ng Marcos Jr., administration na mapabilis ang digital transformation ng bansa.


Bunsod nito ay iminungkahi naman ni Villafuerte sa DICT, gayundin sa National Telecommunications Commission (NTC) at public telecommunications entity na samantalahin ang tatlong buwang extension para palakasin ang kanilang registration drive.

Sabi ni Villafuerte, higit na dapat tutukan ang mga malalayong lugar, at kailangang ayusin din ang mga ilan sa mga nagpapabalam sa registration gaya ng identification requirements at mahinang signal ng internet.

Facebook Comments