Pagpapalawig sa validity ng driver’s license na apektado ng suplay ng plastic cards, tiniyak ng LTO sa Kamara

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapalawig sa validity o bisa ng mga driver’s license na apektado ng Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu ng Korte laban sa delivery at pag-proseso ng plastic ID cards.

Inihayag ito ni LTO chief Vigor Mendoza sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa panukalang pondo na nakalaan sa Department of Transportation (DOTr) para sa susunod na taon.

Sagot ito ni Mendoza sa tanong ni House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza kung pabor ang LTO na palawigin ng isang taon ang validity ng mga lisensya na hindi ma-renew dahil sa TRO ng Korte.


Diin ni Mendoza, isang taon ang ipapatupad na extension sa validity ng nabanggit na mga lisenya sa pagmamaneho na nauna ding iminungkahi ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee.

Ayon kay Daza, ang aksyon ng LTO ay isang magandang balita para sa publiko lalo na sa mga motorista.

Facebook Comments