Pagpapalawig sa voter registration, malabo na dahil sa pagsisimula ng paghahain ng Certificates of Candidacy

Wala nang balak pa ang Commision on Elections (COMELEC) na palawigin pa ang voter registration kapag natapos na ito sa Setyembre.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na naabot na rin naman natin kasi ang target na bilang ng mga bagong nagparehistro

Sakali din aniyang magkaroon pa ng extension ay maapektuhan na nito ang election calendar lalo na’t pagkatapos ng registration ay agad na ring magsisimula ang paghahain ng Certificates of Candidacy.


Matatandaang naabot na ng COMELEC ang target na apat na milyong bagong rehistradong botante sa buong bansa kahit sa Setyembre 30 pa matatapos ang voter registration.

Facebook Comments