Pagpapalawig sa voters’ registration extension, inihirit ni Senator Pangilinan

Umapela si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa Commission on Elections (Comelec) na irekonsidera ang kawalan nito ng plano na palawigin ang voters’ registration na nakatakdang magtapos sa September 30.

Diin ni Pangilinan, malaki ang epekto ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) at pagkalat ng COVID-19 Delta variant sa pagpaparehistro ng mga botante para sa 2022 elections.

Paliwanag ni Pangilinan, 52 araw na lang ang nalalabi bago ang deadline ng voters’ registration at ang 11 araw dito ay saklaw pa ng lockdown.


Ayon kay Pangilinan, malaking bagay kung mapapalawig ang voters’ registration ng kahit isa o dalawang linggo para mas maraming botante ang makapagrehistro.

Umaasa si Pangilinan na magsasagawa ng kinakailangang adjustments ang Comelec sa harap ng pagklasipika sa Pilipinas bilang ‘high-risk’ kaugnay sa COVID-19.

Facebook Comments