Pagpapalaya kay dating Senator Jinggoy Estrada, ipinarerekunsidera ng prosecution sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Naghain ng mosyon ang prosecution panel sa Sandiganbayan para bawiin ng korte ang iginawad na pansamantalang kalayaan ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Sa 11 pahinang Motion for Reconsideration na inihain sa Sandiganbayan 5th Division, binibigyang diin dito na malaking pagkakamali sa panig ng korte nang aprubahan ang hiling ni Estrada na makapagpiyansa.

Pinagbatayan kasi ng Sandiganbayan sa pagpapalaya kay Estrada ang desisyon sa pagbabasura ng kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo kung saan sinabing hindi sapat ang impormasyon ng kaso laban sa akusado at nabigo din ditong tukuyin ang tinatawag na main plunderer.


Giit ng prosecution, hindi applicable sa kaso ni Estrada ang desisyon ng korte sa kaso noon ni Arroyo.

Bigo aniya ang korte na bigyang bigat ang mga naipresenta nilang ebidensya laban kay Estrada na nagpakita na kasabwat ito sa anomaliya sa alokasyon ng pork barrel nito.

Mismong ang korte na rin ang nagsabi na si Estrada ay nasa tuktok ng PDAF scam kaya nakapagtatakang bumaligtad na ito ngayon.

Facebook Comments