Pagpapalaya kay Pemberton, hindi pa pinal; LGBT group at Bayan, kinondena ang desisyon ng korte

Nilinaw ng Integrated Bar of the Philippines na maaaring hindi pa pinal ang maagang pagpapalaya sa US marine na nakulong sa pagpatay ng Filipino Transgender Woman na si Jennifer Laude noong 2014.

Ayon kay IBP President Domingo Cayosa, maaari pa ring dinggin ng korte ang panig ng kampo ng nasawing si Jennifer Laude kung mayroon silang ebidensya o argumento na hindi maaaring palayain si Pemberton sa ilalim ng GCTA.

Aniya, ang GCTA ay pribilehiyo na ibinibigay sa mga preso, pero maaari itong kwestyunin kung may matibay na ebidensya ang pamilya ng biktima.


Samantala, mariing kinondena naman ng ilang LGBT group at grupong Bayan ang pag-iisyu ng release order ng korte sa maagang pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon sa grupo, ang maagang pagpapalaya kay Pemberto ay isang “injustice” kay Jeniffer, sa pamilya Laude at sa bansa.

Facebook Comments