Pagpapalaya Ng Abu Sayyaf Group Sa Dalawa Pang Pinoy Hostage, Kinumpirma Na Ng Afp-Wesmincom

2

MANILA – Kinumpirma na ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command ang pagpapalaya ng Abu Sayyaf Group sa dalawa pa nilang bihag na Pinoy kagabi.Ayon sa Joint Task Force Sulu, sina Daniella Taruc, 26-anyos at Levi Gonzales, 33- anyos na kapwa technician ng Globe telecom, ay pinalaya sa bahagi ng Barangay Tiptipon sa Panglima Estino.Agad na dinala sa General Teodolfo Bautista ang dalawa para sumailalim sa check-up.Si Taruc ay pitong buwang buntis kung saan nagdadalang-tao na ito nang mabihag.Sa interview ng RMN, tiniyak ni WESMINCOM Spokesperson Major Filemon Tan na tuloy-tuloy ang kanilang opensiba kontra ASG pero iniingatan at prayoridad nila ang kaligtasan ng mga bihag.Simula noong Sabado, umaabot na sa anim ang napapalayang bihag ng Abu Sayyaf, kabilang ang Norwegian national at tatlong Indonesians.

Facebook Comments