Pagpapalaya ng korte sa political prisoner na si Maria Lindy Perocho sa Negros, ikinalugod ng isang women’s group

Ikinatuwa ng Amihan National Federation of Peasants Women ang ginawang pagpapalaya ng hukuman kay Maria Lindy Perocho na isang miyembro ng National Federation of Sugar Workers.

Batay sa report ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP-Escalante, ibinasura ng hukuman ang isinampang kaso laban kay Perocho noong unang linggo ng Marso 2024.

Ayon kay Zenaida Soriano, national chairperson ng Amihan, ang paglaya ni Perocho ay isang tagumpay sa matagal nang ipinaglalaban ng mga babaeng magsasaka at mga mangingisda laban sa mga paglabag sa karapatang pantao.


Patuloy naman ang panawagan ng Amihan sa pamahalaan na palayain ang ilan pang political prisoners tulad ni Imelda Sultan na kasama ni Perocho na naaresto.

Matatandaan na 57 na mga aktibista at mga organizers ang inaresto sa isinagawang operasyon ng tropa ng pamahalaan sa Negros noong October 31 hanggang November 1, 2019.

Facebook Comments