Pagpapalaya ng korte sa umano’y CPP leader na si Dr. Natividad Castro, nirerespesto ng PNP

Hamon para sa Philippine National Police o PNP ang naging desisyon ng korte na agad palayain ang Human Rights Advocate na si Dr. Natividad Castro.

Si Castro na Secretary General ng grupong Karapatan sa rehiyon ng CARAGA na inakusahang pinuno ng Communist Party of the Philippines o CPP Health Bureau.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/BGen. Roderick Alba, iginagalang nila ang pasya ng hukuman pero magsisilbing aniya itong hamon sa kanila para higpitan at palakasin pa ang kanilang pag-uusig sa mga tukoy nang kalaban ng estado.


Matatandaang inaresto si Castro ng mga tauhan ng CARAGA at San Juan City PNP noong February 20 matapos isilbi dito ang warrant of arrest dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Kahapon, naglabas ng desisyon ang Bayugan City Regional Trial Court na ibinabasura ang mga isinampang kaso laban kay Dr. Castro at iniutos sa PNP ang pagpapalaya rito.

Sa paglaya ni Castro, tahasan niyang tinawag na walang respeto ang Pambansang Pulisya dahil sa ginawa sa kaniya.

Facebook Comments