Pagpapalaya sa 14 na convicted members ng CPP-NPA-NDFP, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalaya sa 14 na miyembro ng Communist Party of the Philippines na nakakulong sa New Bilibid Prisons.

Kinumpirma mismo ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Hongkong.

Wala pa namang inilalabas na pangalan at detalye ang Malacañang kaugnay sa mga pinalayang komunista.


Samantala, Ayon kay CPP founder Jose Maria Sison, hindi niya alam ang tungkol sa hakbang na ito ni Duterte.

Gayunman, kung mga political prisoner mula sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), welcome development aniya ito para sa kanilang panig.

Ayon naman kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, nakatakdang lumahok sa peace talk sa The Netherlands ang mga pinalayang komunista.

Gaganapin ang ika-limang round ng usapang pangkapayapaan mula may 27 hanggang June 1, 2017.

DZXL558

Facebook Comments