Manila, Philippines – Walang nakikitang problema ang Volunteer Against Crimes and Corruption (VACC) sa pagpapalaya sa may dalawang daan preso kung ang mga ito ay dumaan naman ito sa proseso.
Naniniwala si VACC chairman Dante Jimenez na kung user lamang sa droga ang akusado ay hindi na dapat binubulok sa bilangguan.
Ayon kay Jimenez, marami sa mga ito ay tinaniman ng ebidensya o ginawan lamang ng kaso.
Pero, dahil sa mabagal na sistema ng hustisya sa bansa ay nabubulok ang ganitong mga preso.
Ipinapanukala ni Jimenez na sa inquest proceedings pa lamang, kung makita ng prosekusyon na hindi nasunod ang proseso ng pag aresto o hindi naman seryoso ang akusado ay hindi na dapat pinatatagal sa mga bilangguan.
Facebook Comments